Friday, June 01, 2007

Sa Damdamin ng May Mapangunawang Puso...


Salamat sa pangunawa, salamat sa kababaang loob. Lingid man sa kaalaman mo, may mga taong nakakaunawa sa iyong damdamin. Sana natuto lahat kaming umunawa. Sana lahat kami nakitono sa udyat ng napagusapan. Batid namin ang iyong kababaang loob, umunawa ka sa amin, bagkus na kami ang dapat umunawa. Wala ni isang butil na pait ang iyong mga pangungusap sa amin. Pero galing sa taong nakakakilala sa iyo, sa taong may pangunawa...ako na po ang humihingi ng dispensa sa mga pagkukulang, bagama't alam namin na di yun ang mahalaga sa inyo, at batid po namin ang inyong ginintuang puso. Maraming salamat po hanggang sa kahulihuliang hibla ng ating ninanais gawin at tapusin. Pagpalain lagi kayo ng Poong Maykapal.

No comments: